^

Metro

Bebot lasog sa traktora

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang babae nang masagasaan ng isang traktora habang papatawid sa kalsada sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang inilarawang nasa gulang na 30-35 anyos, kayumanggi, nakasuot ng pulang shorts at kulay brown na checkered na t-shirt dahil sa matinding pinsalang tinamo sa ulo.

Samantala, sumuko at hawak na ngayon ng Pasig City Police ang suspek na si Rio Marave, 35, residente ng Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Edwin Cruz, ng Station Investigation and Detection Management Branch (SIDMB), lumilitaw na dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Marcos Highway, harapan ng LRT station sa Brgy. Santolan, Pasig City.

Minamaneho umano ni Marave ang kanyang Isuzu tractor (RFA-742) sa naturang lugar nang aksidenteng masagasaan nito ang biktima, na noon ay patawid sa kalsada.

Dahil sa lakas ng impact ng aksidente ay tumilapon pa ang biktima sa kalsada na ikinabagok lalo ng ulo nito at nagresulta sa kanyang kamatayan.

Si Marave ay nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

 

vuukle comment

BRGY

CAINTA

DAHIL

EDWIN CRUZ

MARCOS HIGHWAY

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RIO MARAVE

SI MARAVE

STATION INVESTIGATION AND DETECTION MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with