Obrero hulog mula 5th floor nang ginagawang gusali
MANILA, Philippines - Isang obrero ang nasawi makaraang mahulog mula sa ika-limang palapag ng isang ginagawang gusali sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-the-spot ang biktimang si William Lacbayo, 45, stay-in worker at residente ng Hillcrest Village, Camarin, Caloocan City sanhi ng pinsala sa ulo.
Sa report ni Det. Rodel Benitez ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong alas-4:00 ng madaÂling-araw nang madiskubreng patay ang biktima sa sementadong kalsada sa itinatayong Seafgear Sea building sa kanto ng KanÂluran at Honario Blvd., Balut, Tondo, Maynila.
Huling nakitang buhay bandang gabi ang biktima habang nakikipag-inuman sa mga kasamahang stay-in na mga manggagawa.
Pagkatapos umano ng inuÂman ay umakyat sa rooftop ang biktima at hinalang doon na rin nakatulog.
Gayunman, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang nadaanan ang biktima ng ibang mga kasamahan nito na nakahandusay at wala nang buhay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, walang saplot na pang-ibaba ang biktima habang nakuha sa tabi ng kanyang tinulugan ang kanyang kumot, shorts, briefs at mga bold magazine.
- Latest