^

Metro

Carjackers sumalakay sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Muli na namang sumalakay ang kilabot na mga carjackers makaraang agawin sa tatlong estudyante ang isang Mitsubishi Montero  sa bahagi ng Malate, Maynila at bago  tuluyang tangayin ay pinaghihipuan  pa ang  isa sa babaeng biktima bago sila ibinaba sa bahagi ng Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Sa reklamong idinulog sa  MPD-ANCAR, sasakyan  ng biktimang si  John Robert San Juan, 21, law student  ng Lyceum University ang Montero (PKO-500) at sakay niya sina  Jennifer Schoeler, 26, at  Janina Nepomuceno, 20, kapwa estudyante ng De La Salle College of St. Benilde, nang  tutukan sila ng baril ng dalawang suspect habang nasa parking lot ng Estrada St. sa Malate.

Nang makapasok ang dalawang suspek sa nasabing sasakyan, tinalian ng sintas ng sapatos ang tatlong biktima saka sinamsam ang kanilang mga kagamitan  habang ang isa sa suspect ay hinawakan pa ang isang babae sa maseselang parte ng katawan habang ang isa ay minamaneho ang na­sabing sasakyan.

Pagdating malapit sa isang creek sa Parañaque City ay pinababa ang tatlong biktima saka mabilis na pinasibad ang sasakyan.

Kaagad naman nag-report sa Police Community Precinct (PCP) 7 sa Parañaque City ang tatlong biktima pero inabisuhan na  sa MPD-ANCAR magreklamo.

Samantala, dalawang lalaki kabilang ang  isang menor-de- edad  ang dinakip na sinasabing  tumangay ng motorsiklo ng pamangkin ni Manila Representative District  1 Benjamin “Atong”  Asilo, kamakalawa  ng tanghali sa Tondo, Maynila.

Mismong sa loob ng bahay ng  suspect na si John Rey Palanca, 22, ng Perla St.Tondo, Maynila  nabawi ang  Yamaha Fino na may plakang 2781 OM na kulay puti at pag-aari ni Tsino Asilo, 25,  ng 654 Gerona St.Tondo.

 

DE LA SALLE COLLEGE OF ST. BENILDE

ESTRADA ST.

GERONA ST.

JANINA NEPOMUCENO

JENNIFER SCHOELER

JOHN REY PALANCA

JOHN ROBERT SAN JUAN

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with