Korean national, nagbigti

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang Korean national makaraang magbigti sa tinutuluyan nito sa Pasay City, kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Han Seung Bo, 46,  ng Unit 8J, Montecito Residential Resort, New Port City. Dakong alas-12:00 ng tanghali nang makita ito ng stay-out helper nito na si May Arellano­, 37.

Lumabas sa imbestigasyon na bed sheet na nakitang nakapulupot ang dulo sa hamba ng pintuan ng comfort room nito ang ginamit sa pagpapakamatay.

May posibilidad ding napatid ang bed sheet na nakapulupot sa leeg ng biktima matapos makita ang bangkay na pa­dapa nang nakasalampak malapit sa pintuan ng comfort room at nagsisimula na ring mag-iba ang kulay ng balat.

Bukod sa marka sa leeg na palatandaan ng pagbibigti ay wala nang nakita pang ibang sugat sa parte ng katawan nito.

Ipinabatid na ng pu­lisya sa Korean Embassy ang insidente habang isi­nasailalim ang naturang dayuhan sa autopsy.

Show comments