MANILA, Philippines - Isang money remittance company ang sinalakay ng may anim armadong kalalakihan, kahapon ng umaga sa Parañaque City. Sa inisyal na report ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:15 ng umaga sa isang sangay ng Western Union na matatagpuan sa panulukan ng Dr. A. Santos Avenue at Lopez Avenue, Sucat ng naturang siyudad.
Nabatid na lulan ang mga suspect sa dalawang motorsiklo at armado ng matataas na baril tulad ng automatic rifles at Uzi na puwersahang pumasok sa naturang money transfer comÂÂpany. Tinutukan ng mga suspek ng baril ang guwardyang naka-duty at ilang staff dito sabay na deklara ng hold-up.
Matapos matangay ang cash na nagkakahalaga ng P60,000 ay dali-daling nagsitakas ang mga ito. Nagsasagawa na ng followÂ-up operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon sa insiÂdente, napag-alaman na nitong nakaraang Sabado ng gabi ay hinolÂdap ang jewelry shop sa SM Mega Mall. Sa kabila ng maÂhigpit na pinatutupad na gun ban ng pulisya ay malalakas ang loob na gumawa ng krimen.