MANILA, Philippines - Away sa negosyo ang siÂnisilip na motibo ng pulisya sa ginawang pagbaril at pagpatay sa isang negosyanteng Tsinoy sa San Juan City, no ong Lunes ng umaga.
Ayon kay Supt. Remus MeÂÂdina, hepe ng Intelligence Unit ng EPD, nakita nila sa kuha ng Closed Circuit TeleÂvision na planado ang ginawang pagpatay sa biktimang si Kelvin Tan, may-ari ng KT Builders Inc., ng New Manila, Quezon City.
Sinabi ni Supt. Medina, posibleng professional ‘hired killers’ ang dalawang suspek dahil ‘fatal’ ang mga tama ng bala at tiniyak nilang patay ang biktima bago nila ito iniwang nakabulagta sa loob ng kanyang sasakyan na Toyota Altis.
Nakita rin sa CCTV na hindi man lamang naghalugÂhog ang gunman sa loob ng sasakÂÂyan ng biktima para ha naÂpin ang P800,000 na winithdraw nito sa sangay ng China bank sa Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan.
Sa CCTV footage, nakita ang gunman na nakasuot ng kulay violet na colored long-sleeve na barong na naglalakad at nasalubong pa nito ang biktima habang naglalaÂkad din pabalik ng kanyang saÂsakyan.
Bahagyang lumampas ang suspek sa biktima at biglang bumalik ito saka sinundan ang negosyante pabalik sa kanyang kotse. Pagkaupo ng biktima sa kanyang sasakyan ay saka ito pinagbabaril at nang matiyak na patay na ito ay tumawid ng kalsada at umang kas sa kanyang kasama na sakay ng motorsiklo at mabilis na tumakas.