^

Metro

Pillbox sumabog sa UP: 2 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang sugatan sa sumabog na pillbox na tina­maan ng bareta habang naghuhukay ang mga una sa isang lugar sa loob ng University of the Philippines (UP) Diliman lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Ayon kay Insp. Noel Sublay, hepe ng Special  Wea­pon and Tactics ng Quezon City Police District, naganap ang pagsabog sa may hardin malapit sa Benton Hall ng UP na matatagpuan sa Roxas kanto ng Fernandez St., sa nasabing lugar.

Nakilala ang mga sugatan na sina Reynaldo Natividad, 44, at Faustino Valencia, 38, kapwa empleyado ng Campus Maintenance Office (CMO) ng unibersidad.

Nangyari ang insidente ganap na alas-3 ng hapon habang naghuhukay umano ang mga biktima sa lugar para pagka­bitan ng street light.

Sabi ni Fernando Enriquez ng UP police, habang nagbabareta umano si Natividad ay bigla na lamang may sumabog sanhi para matin­ding tamaan sa katawan ito.

Nagsasagawa ng paghu­hukay ang dalawa sa lugar para pagkabitan ng street light bunga ng umano’y madalas na nangyayaring holdapan dito.

Sa pagsisiyasat ni Sublay, positibo silang pillbox ang sumabog base sa mga sharpnell na nakuha mula dito, kung saan sa pyrotech­nic display ang pulbura uma­ nong ginamit dito.

Narekober din sa lugar ang mga piraso ng turnil­yo, nuts at mga maiitim na pulbura na tila buhangin na posibleng magkakasama sa loob ng pillbox.

 

BENTON HALL

CAMPUS MAINTENANCE OFFICE

FAUSTINO VALENCIA

FERNANDEZ ST.

FERNANDO ENRIQUEZ

NOEL SUBLAY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REYNALDO NATIVIDAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with