Brgy. kagawad, tiklo sa buy-bust

MANILA, Philippines - Arestado ang isang ba­rangay kagawad sa isinagawang buy-bust operation kahapon sa Caloocan City.

Nakilala ang nadakip na si Albert Balcos, 40, kagawad ng Geronimo St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng Caloocan City Police, nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagbebenta umano ng shabu ang naturang kagawad  sa kahabaan ng C-3 Road, Caloocan City.

Dakong alas-12:00 ng tanghali ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek  at isang pulis ang nagpanggap na poseur-buyer.

Dinakip si Balcos sa aktong tinatanggap ang isang libong piso sa pulis kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

 

Show comments