P5-M nakuha sa bahay ng contractor
MANILA, Philippines - Mahigit sa P5 milÂyong halaga ng pera, alahas at mga gamit ang natangay sa bahay ng isang babaeng conÂtractor makaraang pasukin at holdapin ng tatlong armadong kalalakihan ang kanilang bahay sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Station 10, nakilala ang biktima na si Melissa Makadaig, 38, dalaga ng #153-C, Scout Fuentebella, Brgy. Sacred Heart sa lungsod.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang tinutugis ng tropa ni PS10 commander Supt. Marcelino Pedroso ang mga armadong suspect na sakay ng isang sports utility vehicle (SUV) maÂtapos na ma-trace ang kinaroroonan ng mga ito sa pamamagitan ng tracking device o global positioning system ng isang cell phone.
Sa ulat ng PS10, nangÂyari ang insidente ganap na alas-11:30 ng umaga sa nasabing lugarÂ.
Sinasabing nagliÂlinis ang houseboy ng pamilya Makadaig na si Armel Hilario sa loob ng bahay nang biglang pumasok ang mga armadong suspect at tutukan ito ng baril sabay deklara ng holdap.
Matapos nito ay saka sinimulan ng mga suspect ang paghalughog sa buong bahay kung saan kinuha ang alahas na nagkakahalaga ng P5 milyon, cash P100,000, at iba’t ibang gadgets tulad ng cellphone na may kabuuang halaga na P50,000.
Nang makuha ang pakay ay saka sumibat ang mga suspect sakay ng isang SUV na ginamit sa pagtakas.
Patuloy ang follow-up operation ng mga operaÂtiba laban sa mga suspect.
- Latest