MANILA, Philippines - Makaraang kalasan ng kanyang live-in partner, tinapos na ng isang buntis ang kanyang buhay nang magbigti ito kahapon ng umaga sa Quezon City.
Bangkay na nang maÂtagpuan si Michelle OdeÂvillas, 21, tubong Guiuan, Eastern Samar at kasambahay sa #75 Batino St., Brgy. Amihan, Quezon City nang magbigti ito gamit ang isang electric cord na ipinulupot sa kanyang leeg bago isinabit sa hagdanan.
Batay sa inisyal na ulat na isinumite nina PO2 Hermogenes Capili at PO3 Jimmy de Jesus ng QCPD-CIDU, nadiskubre ng mga batang sina Jem at Jam Ordonio ang biktima na nakabigti pasado alas-9:30 kahapon ng umaga.
Bago nakitang bangkay ang biktima ay ka-text pa nito ang umano’y ka-live-in kung saan tinakot ang biktima na hihiwalayan ng huli.
Sinasabing may 10 araw pa lamang na pumapasok na kasambahay ang biktima sa pamilya Ordonio.
Isinasailalim pa sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman kung may foul play sa insidente.