MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang biglang nagliyab sa Commonwealth AveÂnue na ikinasugat ng dalawang pasahero at nagdulot ng labis na trapik sa may Quezon MeÂmorial Circle sa lungsod, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay SFO3 Jose Felipe Ariza, BFP fire investigator, ang naglagablab na bus ay ang HM transport (TVZ-537) na minamaneho ng isang Emiliano Capitolo Jr. habang binabagtas ang nasabing lugar partikular sa Philcoa ganap na alas-7:44 ng gabi.
Nakilala ang mga suÂgatan na sina Julie Casaway, 30 at Julius Servano. Sila ay agad na nilapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center.
Ayon kay Ariza, sa inisyal na pagsisiyasat sa may bahagi ng lalagyan ng baterya ng bus unang nakita ang pagsiklab ng apoy na agad na lumaki, hanggang sa tuluyang lamunin ang bus.
Wala nang nagawa ang driver at konduktor ng bus, sanhi para magpanik ang mga pasahero nito at ikinasugat ng nasabing mga biktima.
Naapula ang apoy alas-8:01 ng gabi.
Nagdulot naman ng trapik sa lugar ang naturang insidente dahilan para maantala ang pagÂresponde ng mga bumbero para apulain ito.
Tinatayang aabot sa P4 milyon ang halaga ng pinsala sa nasunog na bus.