^

Metro

Mga magulang nais lang perahan magkasintahan timbog sa ‘kidnap me’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng magkasintahan makaraang mabuko ng Parañaque City Police ang ginawang ‘kidnap me’ ng dalawa para perahan lamang ang mga magulang ng lalaki, nitong nakaraang Linggo ng hapon.

Nakadetine ngayon sa Parañaque City Police ang magkasintahan na sina Mary Grace Cabiling, 30, ng Brgy. San Isidro, at nahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa pagdadala ng baril at ang nobyong si Neil Buenvemida, 32, nahaharap naman sa kasong ‘corruption of public official’.

Sa ulat ng pulisya, unang nagtungo sa istasyon ng Parañaque si Cabiling noong Linggo dakong alas-5:30 ng hapon at iniulat na dinukot umano ng mga armadong lalaki ang kanyang ka­ibigan na si Buenvemida at nanghihingi ang mga salarin ng P300,000 ransom money.

Ngunit nang hanapan ng identification card si Cabiling, sumungaw ang kalibre .32 na baril sa dalang handbag nito.  Nang siyasatin, wala ring kaukulang lisensya ang naturang baril at walang permit to carry.

Nang malaman ni Buenvemida ang pagkakaaresto sa kasintahan, lumantad na ito sa istasyon ng pulisya nitong Lunes ng umaga at tinangkang suhulan ng P100,000 ang may hawak ng kaso  na sina SPO2 Reynaldo Arojado at SPO1 Christopher Bilangel. Sa halip na masilaw sa pera, pinaposasan ng dalawang pulis si Buenvemida at sinampahan ng kaso.

Ayon kay Beltran, natuklasan nila na minsan na ring ginawa ng magka­sintahan ang paggamit sa pulisya sa pamamagitan ng paghingi ng spot report na kunwa’y dinukot ng armadong grupo ang lalaki upang makakuha ng malaking halaga ng salapi sa mga magulang nito.  Maaaring ito muli ang pakay ng dalawa para muling makahuthot ng pera sa mga magulang ng lalaki.

BUENVEMIDA

CABILING

CHRISTOPHER BILANGEL

CITY POLICE

LINGGO

MARY GRACE CABILING

NANG

NEIL BUENVEMIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with