Tsinoy trader utas sa tandem

MANILA, Philippines - Utas ang isang ne­gos­yanteng Tsinoy ma­­karaang barilin ng dalawang hindi pa kilalang salarin na riding-in-tandem sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Mark Joseph Luna y Ang, 45, residente ng  Filipinas Village, Brgy. Malanday sa lungsod.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng umaga sa Bayan Bayanan Avenue, Brgy. Concepcion Uno.

Ayon sa report, nag­lalakad ang biktima pa­tungo sa kanyang Marvens Hardware nang lapitan siya ng dalawang suspek na sakay ng isang motor­siklo na walang plaka­ at walang sabi-sabing binaril sa ulo.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga salarin habang isinugod naman sa Saint Vincent Hospital sa Marikina ang biktima ng kanyang mga tauhan pero hindi na ito umabot ng buhay. Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid kung sino ang mga salarin at ano ang motibo ng krimen.

Show comments