Obrero itinumba ng tambay
MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na construction worker ang nasawi maÂkaraang malapitang barilin ng kaalitan na nagsangla sa kanya ng DVD player sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Alexander Carlos Pastrana, ng Carlos P. Garcia St., Moriones, Tondo.
Patuloy namang tinutugis ang suspect na si Manuel MaÂhinay Jr., ng Road 10 sa panulukan ng Moriones sa Tondo.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang nasabing pamamaril sa RJ Compound sa tabi ng bahay ng biktima.
Bago ang krimen, ilang buwan na ang nakakalipas ay nagsangla umano ng DVD portable player si Mahinay sa biktima sa halagang P1,200.
Makalipas umano ang ilang linggo, nagbalik si Mahinay upang kunin ng walang bayad ang kanyang DVD kaya nagÂkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Kamakalawa ng gabi, sumulpot si Mahinay para saÂbiÂhing balewalain na nila ang nakaraan nilang pag-aaway.
Ayon kay Aileen Villa, kinakasama ng biktima, na iniwan niya ang dalawa sa labas ng kanilang bahay, hanggang sa makarinig siya ng malakas na putok ng baril at ng kanyang labasin nakita nito na duguan at nakahandusay na ang kinakasama sa bangketa. Mabilis namang nawala ang suspect.
- Latest