Drug courier nilikida

MANILA, Philippines - Utas ang isang 32-anyos na lalaki na kilalang miyembro umano ng sindikato ng droga matapos na barilin nang malapitan sa ulo ng isang hindi nakilalang salarin, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Arnie Louise Cruz, ng Brgy. 61 Zone 8, ng naturang lungsod. Hindi naman nakilala ang sala­rin na kaswal lamang umanong naglakad palayo makaraan ang pamamaril.

Lumabas sa imbestigasyon na kalalabas lamang ng kanilang bahay ang biktima dakong alas-6:15 ng gabi nang barilin ng salarin habang bumi­bili ito ng sigarilyo sa isang tindahan sa kanto ng Tramo at Macopa Streets.

May hinala ang pulisya na onsehan sa ilegal na droga ang motibo sa krimen matapos matuklasan na taga-deliber ng shabu ng malaking sindikato na pinamumunuan ng isang alyas­ Darnel Wangbu sa Tramo­ ang biktima.

Nabatid naman na may na­ka­kabit na CCTV sa natu­rang kanto na sinusuri ngayon ng pulisya sa pag-asang nahagip ang na­turang insidente upang makilala ang salarin.

Show comments