^

Metro

Arestadong robbery suspect, sangkot sa pamamaslang sa negosyante — QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang notorious na robbery suspect na isina­sangkot sa dalawang holdapan kamakailan ay itinuturo na siyang pumatay sa isang ne­gosyante na tinangayan pa ng kanyang sports utility vehicle (SUV) ma­tapos ang pamamaril.

Si Charlie Mamalayan, 27, ay itinuturo na siyang gunman sa pamamaril kay Genesis Olbedencia, 36, ng Brgy. Commonwealth.

Noong gabi ng Ok­tubre 16, si Olbedencia ay pinagbabaril  dakong alas-11:25  ng gabi kahit na ito ay nagtangkang tumakbo sa apat na kala­lakihan na nag­takas sa kanyang bagong Mitsu­bishi Montero sa may panulukan ng Don Fabian at Bacer Streets.

Ayon kay SPO4 Alan dela Cruz, hepe ng theft and robbery section ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, mayroon silang tatlong testigo na positibong nakakilala kay Mamalayan bilang gunman sa insidente.

Ang tatlong testigo na pawang mga barangay tanod sa Bgy. Commonwealth ay nagtungo sa QCPD-CIDU Biyernes ng gabi at positibong itinuro ang suspect, dagdag pa nila na nata­tandaan anya nilang si Mamalayan ang hu­ling sumakay sa SUV ni  Olbedencia.

Nagawa pang makatakbo ng biktima papalayo pero tumim­buwang din ito dahil sa mga tama ng bala, habang ang apat na kasamahan ng suspect naman ay tinangay ang kanyang SUV.

Bukod kay Mamalayan, isa pang robbery suspect na iniuugnay kay Mamalayan ang itinuturo sa insidente.

Base sa pahayag ng mga testigo, ayon kay Dela Cruz, si Chris­topher Castillo ay isa sa dalawang lalaki na nakitang naghihintay sa lugar at nagtatanong sa direksyon, bago ang pag­dating ni Olbedencia.

AYON

BACER STREETS

DELA CRUZ

DON FABIAN

GENESIS OLBEDENCIA

MAMALAYAN

OLBEDENCIA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SHY

SI CHARLIE MAMALAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with