^

Metro

Gitgitan sa trapiko: Driver tinarakan ng kapwa driver

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tsuper ng bus ang nasa kritikal na kondisyon nang saksakin ito ng kap­wa niya driver matapos na magkagitgitan  sa trapiko kahapon sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital (MCU)  sanhi ng saksak sa katawan ang biktimang  si Jeffrey Toledo, 43,  ng Hagonoy, Bulacan.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police ang suspek na si  Eduardo Calubaquib, 39,  ng Libis Espina ng nabanggit na  lungsod.

Lumalabas  sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa may Monumento sa naturang lungsod.

Minamaneho ng biktima ang isang pampasaherong bus at ang suspek naman ay truck ang minamaneho.

Nagkaroon ng gitgitan sa pagitan ng mga ito at parehong bumaba ang mga driver.

Dito  na nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa sinuntok at sinakal  ng biktima ang suspek.

Nang makawala ang suspek  ay tumakbo ito sa kanyang truck, subalit   sinundan pa ito ng biktima. Dito ay nakahagilap ng patalim ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima.

Mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan ang duguang biktima at ang suspek naman ay nadakip ng mga pulis na rumesponde.

 

vuukle comment

BULACAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DITO

EDUARDO CALUBAQUIB

HAGONOY

JEFFREY TOLEDO

LIBIS ESPINA

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with