^

Metro

Salpukan ng 2 motorsiklo: 1 patay, 2 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang security guard ang nasawi habang dalawa pang katao ang malubhang na­sugatan makaraang mag­salpukan ang mga motorsiklong kanilang sinasakyan, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Naisugod pa sa Ospital ng Makati ang 46-anyos na si Jeffrey Baring ngunit nala­gutan din ng hininga habang nilalapatan ng lunas ng mga manggagamot. Isinugod din sa naturang pagamutan ang angkas nitong si Audrey Arbulo­s at nakabanggaan na si Gilberto Delosa.

Sa inisyal na ulat ng Makati Traffic Management Unit, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa McKinley Road sa Brgy. Forbes sa naturang lungsod.

Lulan si Baring at ang angkas na si Arbulos ng motorsiklong may plakang (6439-NQ) nang makabanggaan ang motorsiklo (1572-NQ) na minamaneho ni De­losa.  Pawang tumilapon ang tatlong biktima na sinasabing may mga suot naman umano na crash helmet.

Mabilis namang sinaklolohan ng mga kapwa motorista at mga tauhan ng barangay ang mga biktima at dinala sa pagamutan ngunit hindi pinalad na makaligtas si Ba­ring dahil sa tindi ng tinamong pinsala.

vuukle comment

ARBULOS

AUDREY ARBULO

BRGY

GILBERTO DELOSA

ISANG

ISINUGOD

JEFFREY BARING

LULAN

MAKATI CITY

MAKATI TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with