4 na ‘tulak’, timbog sa Navotas

MANILA, Philippines - Sa gitna ng mga kabi-kabilang kasiyahan sa diwa ng Pasko, hindi napigil ang grupo ng Philippine Drug Enforcement Unit-Special Enforcement Unit (PDEA-SEU), Special Anti-Illegal Drugs (SAID) Unit ng Navotas at ni Mayor John Rey Tiangco ang ope­rasyon laban sa droga.

Bandang alas-7 ng gabi kahapon,  nilusob ng grupo ang hinihinalang drug den sa Wawa St., Brgy. Tangos, Navotas at natimbog ang apat na suspek.

Kinilala ang mga itinuturong tulak at adik na sina Rolando Jose Vargas alyas “Roger”, 52; Jerome Frondoza, 28; Arturo Pardo, 42; at Catherine­ Ochoa, 33. 

Mahigit 20 pakete ng shabu­ at mga drug paraphernalias ang nasamsam mula sa mga suspect.  

 “Muli po tayong nagpapasalamat sa tulong ng PDEA-SEU at pakikipagtulungan ng SAID upang unti-unting ma­sugpo ang illegal na gawain na ito sa lungsod,” ani ni Mayor.

 “Natutuwa po tayo na sa kabila ng panahon ng kasiyahan, may mga serbisyo-publiko tayong maaasahan na magbabantay sa kaayusan ng lungsod,” dagdag pa nito.

 

Show comments