^

Metro

3 nasawing holdaper sa shootout, planong umatake bago napatay — QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May plano pang magsagawa ng panghoholdap ang tatlong nasawing suspect nitong Miyerkules kung hindi agad sila nasawata, ayon kay Quezon City Police District director Chief Superintendent Mario dela Vega, kahapon.

Sabi ni Dela Vega, base sa mga nakakalap nilang impormasyon, may kasunod na target sana ang grupo na biktimahin, subalit naudlot ito dahil sa nasabing engkwentro.

Base anya sa mga lamang mensahe sa cellphone na narekober sa isa sa mga suspect, kasunod nilang target ay isang establisimento sa bahagi ng Mindanao Avenue.

Nangangahalugan lamang umano na kung hindi sila agad napatay ay marami pang kasunod na bibiktimahin ang mga ito.

Maaalalang nasawi ang mga suspect na sina Mike Juval; Delfin Benitez at Daniel Caranto sa shootout sa pagitan ng QCPD Police Station 3 matapos na i-set-up ng naarestong kasamahan na si Lando Manuel Jr.

Ayon kay Dela Vega, si Mike Juval o Dicatanungan ay kabilang sa kalalakihang naaresto kasama ng carjacker na si Edilberto Marteja noong 2010.

Ang empleyado ng tindahan na si Carol Llanes ay kinilala na sina Juval Benitez at Caranto na siyang nangholdap sa kanilang meat shop.

Pero maagap na nakuha ni Llanes ang plaka ng taxi (TXV 788) na sinakyan ng mga suspect dahilan para maging giya ng mga awtoridad para matukoy ang pinagmulan nito at ma­laman mula sa may-ari ng sasakyan na ang nagmamaneho ay si Manuel na nadakip sa Brgy. Apolonio Santos.

Samantala, isinalang na sa inquest proceedings si Manuel sa kasong robbery at illegal possession of firearms and explosives.

APOLONIO SANTOS

CAROL LLANES

CHIEF SUPERINTENDENT MARIO

DANIEL CARANTO

DELA VEGA

DELFIN BENITEZ

EDILBERTO MARTEJA

JUVAL BENITEZ

LANDO MANUEL JR.

MIKE JUVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with