Meat shop hinoldap

MANILA, Philippines - Isang sangay ng Monterey meat shop ang hinoldap ng apat na armadong lalaki at natangay ang maghapong kita nito at maging ang mga gamit ng emple­yado sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon sa ulat, ang hinoldap na meat shop na mata­tagpuan sa Min­da­nao Avenue­, Brgy. Tandang Sora, QC ay pag-aari ng isang Reynaldo Nadar.

Apat na suspect na armado ng kalibre .38 at nagkunwaring mga kostumer ang nang­holdap sa meat shop kung saan tumakas ang mga ito gamit ang isang taxi (TXU-788).

Naganap ang panghoholdap dakong alas-6:05 ng hapon nang dumating ang mga suspect at nang makakita ng tiyempo, biglang nag­labas ng baril at tinu­tukan ang cashier na si Carol Llanes at kinuha ang kita ng shop na aabot sa P16,000 at assorted na karne na nagkakahalaga ng P800.

Hindi pa nasiyahan ang mga suspect, kinuha pa ng mga ito ang pera at gamit ng mga kawani  saka mabilis na sumibat  lulan ng kanilang get- away na taxi patungong Quirino Highway.

Show comments