Kelot binoga sa ulo dedo

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay makaraang pagbabarilin sa ulo ng hindi nakikilalang gunman sa lungsod Quezon ka­ makalawa. Nakilala ang  biktima na si Vicente Anthony Andreza, 34, ng Block 34, Lot 123, Pook Libis, Brgy. UP Campus, Diliman, sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Anonas Extension, malapit sa V. Luna Extension, Brgy. Sikatuna Village, dakong alas-6:35 ng gabi. Ayon sa saksing si Shirley Forte, habang nakaupo siya sa may tindahan ng sigarilyo ay napansin niyang may sumusunod sa biktima na isang lalaking nakasuot ng dilaw na t-shirt at itim na short.

Ilang sandali, bigla na lamang pinagbabaril ng lalaki ang biktima sa likod ng ulo nito sanhi para matumba ito at masawi. Habang ang suspect naman ay mabilis na sumibat patungo sa Anonas St., dala ang kanyang baril.

Show comments