^

Metro

1 pang suspect na dumukot, pumatay kay Evangelista, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natimbog na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang miyembro ng notoryus na ‘Dominguez carjack gang’  na sinasabing  sangkot sa pagdukot sa car dealer na si Venson Evangelista  sa isinagawang  operasyon sa  Las Piñas City,  kahapon ng umaga.

Nasa kustodiya ngayon ng NBI  sa Maynila ang suspect na si Joel Jacinto, na may mga alyas na  Eduardo Fernandez  at Joel, 42, tubong Cabanatuan City at residente ng Greenfield CAA Las Piñas City.

Gamit ang  warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Luisa C. Quijano-Padilla ng Quezon City RTC Branch 215, sa pagdakip kay Jacinto sa kaniyang bahay,  kaugnay sa kasong carnapping with homicide.

Matatandaang si  Jacinto ay isa sa inginuso na dumukot sa car dealer na si  Evangelista, na kalaunan ay nadiskubreng sunog ang  katawan  sa Cabanatuan, Nueva Ecija noong Enero  14, 2012. Si Evangelista ay dinukot sa pamamagitan ng pagkukunwaring bibili ng kotse ng  suspect at nagsagawa ng  isang test drive ng Toyota Land Cruiser, na paraan upang siya ay tangayin.

Ang ama ng biktima na si Arsenio Evangelista ay isang director ng  Task Force Volunteer Against Carnappers  ang humingi ng tulong sa NBI  upang maisilbi ang warrant.

ARSENIO EVANGELISTA

CABANATUAN CITY

EDUARDO FERNANDEZ

JACINTO

JOEL JACINTO

LAS PI

LUISA C

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with