^

Metro

Computer programmer, kritikal sa houseboy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang binatang com­puter programmer makaraang pagsasaksakin ng kanilang houseboy kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakaratay ngayon sa University of Perpetual Help Medical Center ang biktimang si Michael Jude Suarez, 31, ng Jerusalem St., Multinational Village, Brgy. Moonwalk, ng naturang lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Jeofrey­ Suamer, tubong-Malabon City at stay-in helper sa loob ng bahay ng biktima.

Sa ulat ng Parañaque City Police, positibong kinilala ni Gerald Paran, kaibigan ng biktima, ang suspek na si Suamer­ na siyang nakita niyang nagmamadaling lumabas ng bahay na duguan dakong alas-10 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Paran, bibisitahin niya ang kaibigan nang maka­salubong si Suamer at tinanong pa niya kung saan pupunta ngunit hindi siya sinagot.  Nang pumasok siya sa bahay, dito niya nakita ang duguang kaibigan na nakalugmok sa loob ng bahay.  Agad naman itong nagpasaklolo sa mga kapitbahay at isinugod sa pagamutan ang biktima.

Blangko pa naman ang pulisya sa motibo ng naturang krimen dahil sa hindi pa ma­kunan ng pahayag ang biktima na hindi pa nagkakamalay.

AYON

BLANGKO

CITY POLICE

GERALD PARAN

JERUSALEM ST.

MALABON CITY

MICHAEL JUDE SUAREZ

MULTINATIONAL VILLAGE

SUAMER

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with