^

Metro

Sekyu nakaladkad, hati ang katawan sa tren

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahati ang katawan ng isang 21-anyos na security guard nang  mabangga at makaladkad pa ng tren sa Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga

Ang biktima ay kinilalang si Michael Antonio, na sinasabing 3 buwan pa lamang namamasukang security guard sa hindi nabanggit na kompanya.

Sa ulat ni PO3 Jeffrey Reyes ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa riles ng Philippine National Railways (PNR) na sakop ng Pan­dacan, Maynila.

Bibili lamang umano ng almusal ang biktima na  tumawid sa riles at habang ang atensiyon ay nasa kabilang linya dahil sa paparating na tren na nagmula sa Alabang  hindi umano napansin na ang nasa likod niya na opposite lane ay may paparating din na isa pang tren pa­tungong Tutuban  na nakahagip sa kaniya.

Ilang metro pang naka­ladkad ang katawan ng biktima, dahil hindi umano ka­agad nakakapag-preno ang tren, dahilan upang ma­hati ang katawan nito.

vuukle comment

ALABANG

BIBILI

ILANG

JEFFREY REYES

MANILA TRAFFIC BUREAU

MAYNILA

MICHAEL ANTONIO

NAHATI

PANDACAN

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with