Pasyente sa 4 na ospital sa Maynila, tumanggap ng maagang pamasko
MANILA, Philippines - Maagang nakatanggap ng pamasko mula kay Manila Mayor Alfredo Lim ang libong pasyente ng apat sa anim na ospital ng lungsod ng Maynila.
Kasabay nito, ininspeksiyon din in Lim ang mga pasilidad ng Sta. Ana Hospital, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Maynila at Jose Abad Santos General Hospital kung saan sinamahan naman ito ng mga hospital directors na sina Dr. Mario Lato, Dr. Marlon Millares, Dr. Vangie Morales at Dr. Ted Martin gayundin si vice mayoral candidate, 6th District Councilor Lou Veloso at Department of Public Services chief, ret. Col. Caloy Baltazar.
Ang maagang pamasko ay kinabibilangan ng pagkain at pera na ipinamahagi sa mga pasyente sa mga ospital.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Lim sa mga negosyante at mga non-government organization sa patuloy na pagsuporta sa mga proyekto ng city government para sa pagtulong sa mga nangangailangan.
- Latest