^

Metro

Yoga instructor nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dala ng kawalang pag-asa na hindi na niya makikita ang kanyang asawa at mga anak, isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Shan Estepa, 27, na umano’y nagsasanay bilang yoga instructo­r.

Ayon sa ulat, patay na nang matagpuan ang biktima ganap na alas-5 ng umaga sa bahay ng isang Italian­ na­tional na si Giuseppe Petracea na matatagpuan sa Maamo St., Brgy. Sikatuna, sa lungsod. Ang nasabing bahay ay ginagamit bilang yoga center kung saan umano sumasailalim ang biktima sa pagsasanay.

Ginamit ni Shan ang isang garrison belt na ipinalupot niya sa kanyang leeg saka itinali sa window grill na kalapit ng banyo.

Sinabi ni Renato, kapatid ni Shan, huli niyang nakitang buhay ang biktima Martes ng gabi nang dumating ito nang umuwi buhat sa Pampanga.

Dagdag ni Renato, si Shan at kanyang asawa ay ilang taon  nang hiwalay at dinala ang dalawa nilang anak patungo sa Singapore kung saan ito nagta-trabaho.

Nitong Martes, nakatanggap umano ng text messages si Renato mula sa asawa ni Shan na babalik na sila ng anak sa kanilang bahay sa Pampanga. Nang sabihin ni Renato kay Shan ang tungkol dito ay agad itong nagpunta sa Pampanga para makita ang asawa at anak.

Subalit, naobserbahan umano ni Renato na parang malungkot ang biktima nang bumalik ito kamakalawa buhat sa Pampanga.

Sinabi umano ni Shan sa kapatid na itinago sa kanya ng biyenang babae ang dalawang anak, at ang asawa naman nito ay ayaw nang makipagbalikan sa kanya.

 

vuukle comment

AYON

GIUSEPPE PETRACEA

MAAMO ST.

NANG

NITONG MARTES

PAMPANGA

RENATO

SHAN

SHAN ESTEPA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with