^

Metro

Suspects sa Julie Ann murder, binasahan ng sakdal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa kapwa tikom ang bibig sa ginanap na arraignment sa kasong pagpaslang kay Julie Ann Rodelas, mismong ang Quezon City Court na ang nagpasok ng not guilty plea sa sinasabing mga utak sa krimen na sina Althea Altamirano at Fernando Quiambao Jr. kahapon.

Kasabay nito, nagpasok din  ng not guilty plea ang isa pang akusado sa krimen na si Jaymar Waradji  sa sala ni QCRTC  Branch 223  Judge Caridad Lutero.

Bagamat noong una ay tinangka ng kampo ng mga akusado na harangin ang pagbasa ng sakdal sa mga ito sa argumentong hinuli raw ang mga suspek nang walang warrant of arrest­, naituloy din ang arraignment makaraang sabihin ni Judge Lutero  na nakakita ang korte ng probable cause sa  kaso laban sa mga suspek.

Hindi naman nabasahan ng sakdal ang isa pang akusado sa krimen na si Gelan Pasawilan sa kasong illegal possession of firearms and ammunition dulot ng umano’y butas sa  dokumentong hawak ng prosekusyon nang ihayag ng  kampo ni Pasawilan na  hindi nakalagay sa referral ng police investigator ang mga sinasabing ebidensya katulad ng magazine ng baril at bilang ng live ammunition.

Hiniling nito na maisailalim sa re-investigation ang akusado na pinagbigyan naman ng korte.

Kaugnay nito, itinakda naman ng korte na isagawa ang  pagdinig sa kaso sa Pebrero 12, 2013.

Una rito, inutos ni Judge Lutero na ilipat na sina Altamirano at Quiambao sa QC jail, habang mananatili  naman si Waradji  at Pasa­wilan sa kulungan sa  Cri­minal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QC Police sa Kampo Karingal.

ALTHEA ALTAMIRANO

FERNANDO QUIAMBAO JR.

GELAN PASAWILAN

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

JAYMAR WARADJI

JUDGE CARIDAD LUTERO

JUDGE LUTERO

JULIE ANN RODELAS

KAMPO KARINGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with