^

Metro

BFF arestado, 1 pang suspect patay sa shootout: Murder ng model lutas na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinuturing ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang brutal na pamamaslang  sa modelong si Julie Anne Rodelas matapos na madakip  ang tatlo sa anim na suspect sa ginawang follow-up operations kung saan isa sa mga ito ang nasawi matapos makipag-eng­kwentro sa mga awtoridad sa lungsod Quezon kahapon ng mada­ling-araw.

“We consider this case as solve,” Ito ang sinabi ni QCPD director Chief Supt. Mario O. Dela Vega, matapos ipresenta sa media ang mga naarestong sina Althea R. Altamirano, 23, model; boyfriend na si Fernando A. Quiambao Jr., 32; Gelan Pasewalan, 28; at Jaymar Waradje, 22.

Nakilala naman ang nasawi sa engkwentro sa alyas na Bob Usman, ng Brgy. Culiat.

Ayon kay Dela Vega, sa ngayon si Altamirano ang iti­nut­urong nilang mastermind sa nasabing kaso, dahil ito ang nag-utos para dukutin umano si Rodelas kung saan ang pangunahing bumaril ay ang kanyang boyfriend na si Quiambao.

“Kasi ang pangunahing mo­tive ni Althea para gawin ang krimen ay dating alitan, mayroon daw kasing ipina­pakalat si Rodelas ng tsismis sa kanilang mga kapwa model na may dalawa itong anak na naka-apekto sa kanyang trabaho bilang model,” ani  Dela Vega.

Dagdag pa nito, lalong ikinagagalit umano ni Altamirano kay Rodelas ang paninira nito sa kabila ng kanyang gina­wang pagpasok sa biktima upang maging modelo.

Dahil dito, nagpasya si Alta­mirano na ipadukot ang biktima sa kanyang boyfriend na si Quiambao para umano turuan ng leksyon na siya namang nangyari dito.

Samantala, ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, unang naaresto ng kanilang tropa sa pangunguna ni Insp. Elmer Monsalve sina Altamirano at Quiambao sa Apalit Pampanga, ganap na alas-5:30 ng hapon.

Ayon kay Marcelo, naging susi ng kanilang pag-aresto sa mag-syota ang ginawang pagtugaygay sa tinutuluyan ni Quiambao sa may General Lim St., Heroes Hills sa lungsod, hanggang sa Apalit Pampanga.

Sinubaybayan ng tropa ang galaw sa bahay ni Quiambao matapos na makilala ito sa CCTV camera ng McDonalds sa Ermita Manila na siyang bumili ng pagkain na nakita sa tabi ng bangkay ni Rodelas ng ito ay paslangin.

Sinasabing sa pamamagitan ng isang Innova na lumabas sa bahay na tinutuluyan ni Quiambao ay sinundan ito ng mga tracker team ng QCPD patungo sa may Apalit Pampanga, kung saan nagtatago ang mag-syota at ang sasak­yang Mitsubishi Montero sport na may plakang TWO-505 na ginamit sa pagdukot kay Rodelas.

Matapos maaresto ang mag-syota ikinanta ni Quiambao ang iba pang kasamahan nito na siya umanong inupa­han niya para dukutin si Rodelas na nakatira sa may Brgy.Culiat, muslim compound, Tan­dang Sora.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba kung saan pagsapit sa Lanao St., Brgy. Culiat ay sinalubong ang mga ito ng mga putok ng baril sanhi para mauwi sa engkwentro at masawi si alyas Usman, kasabay ng pagkaka-aresto kina Pa­sewilan at Waradje.

Narekober din sa lugar ang isang 9mm Norinco model 213 na may isang magazine at walong bala at isang Ingram M11 cal 9mm na may isang magazine at siyam na bala.

Sabi ni Marcelo, bukod sa mga naarestong suspect, da­lawa pang suspect ang tinutugis nila sa kasalukuyan, dahil ang mga ito ang itinuturing na triggermen ni Rodelas.

Samantala, katwiran ni Altamirano hindi umano niya nais na umabot sa pagpatay ang kaso, kung hindi gusto lamang niyang saktan ito para maturuan ng leksyon.

“Sorry po, wala po akong kasalanan, ang alam ko po, lulumpuhin lang di papatayin, kaya wala po akong alam sa pagpatay,” sabi ni Altamirano.

Itinuro din nito ang boyfriend na si Quiambao ang may kinalaman sa krimen, dahil ginawa na niya ito dati ng walang bulilyaso, bagay na itinatanggi ito ng huli.

Maalalang si Rodelas ay natagpuan na lamang walang buhay at may tama ng bala sa ulo sa may 18th Avenue, Cubao QC noong Nobyembre 6 matapos na itulak papalabas ng Montero ng salarin, saka pagbabarilin. 

Narekober sa tabi ng biktima ang isang plastic bag ng McDonalds na may lamang french fries at cheeseburger kasama ang resibo na siyang naging susi para matukoy ang naturang mga suspect.

Nauna rito, lumilitaw na Nobyembre 5 ay inimbita ni Altamirano ang biktima na manood ng sine sa Mall of Asia. Matapos nito ay nagtungo ang dalawa sa spa sa D. Macapagal Avenue kung saan dito na kinontak ni Altamirano ang kanyang syota na si Quiambao na agad namang duma­ting at sila’y sinundo.

Lumalabas din sa pagsisiyasat na kinontak ni Quiambao ang limang suspect dahil kakilala niya ang mga ito at siyang gumawa ng nasabing pagpaslang kay Rodelas.

Sabi ni Marcelo, kasong murder at illegal possesion of firearms ang inihahanda laban sa mga suspect.

ALTAMIRANO

APALIT PAMPANGA

BRGY

CULIAT

DELA VEGA

QUIAMBAO

RODELAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with