^

Metro

Parañaque fire: 100 pamilya nawalan ng tirahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 100 mahihirap na pamilya ang nahaharap sa malungkot na Kapaskuhan makaraang masunog ang kanilang mga tahanan kamakalawa ng tanghali sa Parañaque City.

Sa ulat ng Parañaque Fire Department, nasa 61 kabahayan at P1 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na sumiklab sa residential area sa Cul de Sac sa Sun Valley, ng naturang lungsod.

Nagtamo naman ng mga “minor burns” sina Kim Gangoso, 10; Fred Seriola, 50, at Manuel Arboleda, 4, habang wala namang naiulat na nasawi. Nabatid na nag-umpisa ang sunog dakong alas-11:30 kamakalawa ng tanghali buhat sa naiwanang bukas na kalan sa isa sa mga bahay sa naturang lugar.  Agad na kumalat ang apoy sa mga karatig na bahay na pawang gawa sa “light materials”.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago ito naapula ng mga bumbero dakong ala-1:20 na ng hapon makaraang tumulong na rin ang mga residente sa pagpatay sa sunog sa pagpapasa-pasa ng timba ng tubig na kanilang ibinubuhos sa mga nasusunog na bahay.

FIRE DEPARTMENT

FRED SERIOLA

KAPASKUHAN

KIM GANGOSO

MANUEL ARBOLEDA

NABATID

NAGTAMO

SUN VALLEY

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with