^

Metro

Tarpaulin, alak, patalim bawal sa sementeryo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigpit na ipinagba­bawal   ang paglalagay ng  tarpaulin, streamers o anumang  advertisement ng mga  political candidates sa Manila North Cemetery (MNC) at Manila South Cemetery (MSC) at sa iba pang sementeryo sa Maynila, bukod pa sa  mga patalim, alak at mga gamit sa pagsusugal kasabay ng paggunita sa panahon ng  Undas.

Ito ang sinabi ni Manila Mayor Alfredo S. Lim, kung saan sinabi nito na mas makabubuti kung pagtutuunan na lamang ng pansin ang pagda­rasal para sa kaluluwa ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sa kanyang pagbisita sa MNC, inatasan ni Lim si MNC director Eddie Noriega, na tiyaking handa na ang lahat para sa paggunita ng  All Saints’ Day sa Nobyembre 1 at All Souls Day sa Nobyembre 2. Ayon kay Noriega, ina­asahang aabot sa 2 milyon ang  da­dagsa sa  MNC.

Maging si MSC director Henry Dy ay nagbigay na rin ng katiyakan na handa na ang lahat ng kanyang mga tauhan upang masiguro na magiging maayos ang paggunita sa Araw ng mga patay.

Ang mga ilaw sa mga sementeryo ay inayos na rin upang  mabigyan ng liwanag na lugar sa mga sementeryo bukod pa sa makatutulong ito sa  mga pulis na magpa­patrulya din sa lugar.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Manila Police District Director, Chief Supt. Alex Gutierrez, na sapat  ang mga pulis na ipakakalat sa mga sementeryo  upang magmentine ng  peace and order.

Samantala, hanggang sa Oktubre 31 na lamang maaaring maglinis ng  mga nitso habang sa Oktubre 29 na lamang maaaring ipasok ang mga sasakyan. Sarado naman sa Oktubre 28 ang  mga sementeryo sa anumang paglilibing at maari lamang maglibing sa Nobyembre 5.

ALEX GUTIERREZ

ALL SAINTS

ALL SOULS DAY

CHIEF SUPT

EDDIE NORIEGA

HENRY DY

NOBYEMBRE

OKTUBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->