^

Metro

Teodoro sa balota tanggalin - Pinoy Aksiyon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Teodoro sa balota tanggalin - Pinoy Aksiyon
Pinoy Aksyon for Governance and the Environment chairperson BenCyrus Ellorin shows a magnified photocopy of a sample ballot bearing the name of incumbent Marikina City mayor and first district representative aspirant Marcy Teodoro during a press conference in Quezon City on January 13, 2025 as the group pushes to remove Teodoro's name to eliminate confusion for voters.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng good governance think-tank na tama lamang ang desisyon ng Commission on Election (Comelec) na kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 elections ni Marikina Mayor Marcy Teodoro sa pagkakongresista at tuluyang tanggalin sa balota ang pangalan nito.

Sa isinagawang press conference sa  sa University of the Philippines, sinabi ng Pinoy Aksiyon, tama lang ang ginagawang pagbabantay ng Comelec upang  protektahan ang integridad ng political process.

Ayon sa grupo, dapat lang kuwestiyunin ang ‘material misrepresentation’ at iba pang iregularidad sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025  elections.

Sa desisyon noong Disyembre 11, 2024, kinansela ng Comelec’s First Division ang kandidatura ni Teodoro bilang kongresista ng unang congressional district ng lungsod dahil sa “material misrepresentation.”

Lumilitaw na hindi illegible si Teodoro na tumakbong kongresista sa unang distrito ng lungsod dahil siya ay residente ng 2nd district ng lungsod.

“Ang paghahain ng COC ni Mayor Teodoro para sa Unang Distrito ay isang malinaw na pambababoy sa proseso ng halalan. Wala itong paggalang sa batas, sa mga botante, at sa prinsipyong patas na halalan,” giit ng grupo.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad