MMFF 2016 malungkot
Sa kauna-unahang pagkakataon in years ay ngayon lamang magaganap ang taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) na walang entry ang tinaguriang box office giants na sina Vic Sotto at Vice Ganda dahil sa pagkaka-isnab at pagbasura ng selection committee ng MMFF ng kanilang mga pelikula.
Lackluster na maituring ang taunang filmfest ng walang pelikula na mapapanood na pinagbibidahan mismo ng tinaguriang MMFF box office stars na sina si Vic Sotto at Vice Ganda. Hindi rin kumpleto ang December filmfest kung walang pelikulang kalahok na nagmumula mismo sa bakuran ng Regal Films tulad ng kanilang successful movie franchise na Shake, Rattle & Roll at Mano Po.
Ang walong pelikulang pumasok sa Magic 8 ng MMFF ay pawang mga indie movie.
Since walang Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin, at Vhong Navarro movie na kalahok sa MMFF sa taong ito, expect the revenue of the MMFF to suffer. Tiyak ding magre-react ang mga theater owners dahil tiyak na karamihan sa mga pelikulang kalahok sa MMFF ay expected na lalangawin lamang sa takilya.
Sa mga pelikulang kalahok sa ika-42nd na taon ng MMFF, kaya pa kaya nilang abutin ang mahigit isang bilyong piso na kita ng entire run ng MMFF na magsisimula on December 25 at magtatapos sa Enero 7, 2017?
Ano sa palagay mo, Salve A.?
Movie ni Julia sa festival matututukan
Ang Star Cinema at Viva Films ang co-producers ng movie na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin na hindi pinalad na makapasok sa 2016 MMFF na inaasahang mangunguna sana sa takilya along with Vic Sotto’s Enteng Kabisote 10.
Nalungkot man ang Star Cinema sa exclusion ng Vice Ganda-Coco Martin second movie team-up, masaya na rin ang kumpanyang pinamumunuan ni Malou Santos dahil pumasok naman sa Magic 8 ang isa pa nilang entry na Vince, Kath & James na base sa online series na Vince and Kath. Ang pelikula na idinirek ni Theodore Boborol ay tinatampukan nina Julia Barretto, Joshua Garcia, Ronnie Alonte, at Maris Racal.
Dahil sa promo power ng Star Cinema, tiyak na tututukan nila nang husto ang promosyon at marketing ng pelikula para kumita sa takilya ang pelikula lalupa’t wala pang drawing power sa box office ang mga lead stars ng movie. The rest of the other entries will have to rely on their own merits.
Si Direk Theodore ay isa sa tatlong director along with Don Cuaresma at Roderick Lindayag ng hit morning TV series na Be My Lady na pinangungunahan naman ng real and reel sweethearts na sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.
Magwawakas na rin ang serye sa linggong ito unlike Be Careful with the My Heart na umabot ng mahigit dalawang taon sa ere.
Ayon sa Business Unit Head na si Ruel Bayani, gusto umano nilang tapusin ang Be My Lady na nasa peak ng ratings nito.
Natutuwa rin si Ruel na isa namang serye ang nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood dahil sa positive values bilang isang pamilya na hatid ng programa.
- Latest