Mga dapat tandaan para maiwasan ang cancer (Huling bahagi)
MAHALAGANG malaman ng bawat isa kung ano ang mga sintomas at karaniwang senyales ng cancer. Narito ang ikatlo at huling bahagi ng serye:
Ang pagdurugo at abnormal discharge sa lahat ng body opening lalo na ang bibig, vagina, rectum at urinary bladder.
Anumang sugat na hindi naghihilom at lumalaki ang size partikular sa labi, dila, taynga, bahagi ng mata at sa maselang bahagi ng katawan o ari.
Bukol na hindi masakit at matigas lalo sa suso, dila, leeg, kilikili at bayag.
Pagbabago sa pagdumi o pag-ihi partikular kung lampas na ng 40-anyos.
Walang tigil na pag-ubo, pamamaos at pagkakaroon ng sore throat.
Madalas na hindi matunawan o nahihirapang lumunok.
Pagbabago ng laki, kulay at nagdurugo ang nunal.
Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, lagnat na tuluy-tuloy, panghihina at hindi maipaliwanag na pagkapagod at pananakit ng katawan.
Gusto ko lang ipabatid na ang mga nabanggit ay warning signs lamang ng posibleng cancer. Hindi ibig sabihin nito na kapag nagkaroon ng sintomas o palatandaan ang isang tao ay mayroon na siyang cancer. Ipinapayo ko lamang na huwag mag-atubili sa pagkonsulta sa doktor para maisagawa ang agarang examination at iba pang pagsusuri. Kapag maagang na-detect ang cancer, malaki ang pag-asang magagamot ito.
- Latest