^

Dr. Love

Natuloy rin ang kasal

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masyadong masalimuot ang mga pinagdaanan namin ng boyfriend ko, to the point na inakala ko na hindi na matutuloy ang aming kasal.

Twenty four years old ako nang mag-aya siyang magpakasal. Ang problema, hindi pa kami stable noon.  Ayaw pumayag ng papa ko na wala kaming ipon bago kami magsama. Kaya nag-ipon muna kami. Nag-abroad siya ng 3 years sa Qatar. Maayos naman ang naging trabaho niya roon kaya nakaipon kami. 

Nagpaplano na kami ng kasal sa simbahan pero ang gusto ng bf ko sa civil na lang muna kami magpakasal. Hindi rin ‘yun sinang-ayunan ng aking ama, kahit alam nilang nasa wastong edad na ako. 

Hanggang nagkasakit naman ang bf ko sa liver. Bunga ito ng hilig niyang kumain ng de lata at processed foods. Napunta sa pambayad ng ospital at mga gamot niya ang ibang perang naipon namin. Halos isang taon din siya bago nakarekober.   

Gumaling ang bf ko. Kasunod nito ay tunutukan namin ang paghahanda para sa aming kasal. Okay na sana pero biglang nag-abiso ang simbahan na hindi makakapagkasal sa petsang pina-reserve namin dahil nagkataon na biglang may hindi inaasahang pangyayari sa pari. Mabuti na lang at may kakilalang pari ang isa sa aming mga sponsors kaya nagawan ng paraan, natuloy ang simple naming kasal.

Pero hindi pala doon nagtatapos ang hamon namin. Dahil ang venue aming honeymoon ay kinurdunan ng mga pulis dahil sa isang insidente. Walang pwedeng mag-check in hangga’t hindi natatapos ang imbestigasyon. Ayun, kaya agad kami naghanap ng alternatibo at mabuti may available na malapit lang.

Sa dinamirami ng mga pagsubok, salamat at ganap na nga kaming mag-asawa. Eto na ako ngayon, two months preggy. 

Maraming salamat po. 

Annie

Dear Annie,

Walang makakapigil sa mga taong nagmamahalan. Congratulations sa inyong dalawa. Wala naman sa bongga ng kasal ang pagiging matagumpay ng buhay ng mag-asawa. Ang pinakamahalaga ay nasa inyo na ang pagbabasbas ng inyong mga magulang at ang sumpaan sa pagitan ninyo ay sagrado dahil umailalim sa sakramento ng kasal.

DR. LOVE

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with