^

Dr. Love

Asa sa parents ang ka-live in

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May kaya sa buhay ang pamilya ng ka-live in kong si Joed, kaya naman kahit hindi siya magbanat ng buto ay makakaraos ang bawat araw niya ng maginhawa. Ang malungkot lang, mukhang napako na siyang umasa na lang sa allowance galing sa parents niya.

Ayaw niyang mag-aral at ayaw din maghanap ng trabaho. Sa paglalaro ng computer games nauubos ang oras niya. Teacher po ako at dahil ako ang may earnings, sinisikap kong pagkasyahin sa aming dalawa ang sweldo ko.

Gusto na nga ng parents niya na magpakasal kami, pero hindi kako dapat mauna ang kasal. Dahil dapat makatapos muna ang ka-live in ko para mas may seguridad ang kinabukasan.

Sa kasalukuyan po ay patuloy akong umiinom ng pills, para masiguro na hindi ako magbubuntis. Kapag nagkataon kasi, kawawa ang magiging anak namin kung hindi handa sa responsibilidad ang magiging padre de pamilya.

Ilang beses ko nang kinukumbinsi si Joed na mag-aral pero walang nangyari. Mahal ko po siya pero napapaisip ako na kung hindi siya magbabago, paano ang future namin? Ano po ang gagawin ko?

Edz

Dear Edz,

Hindi kita masisisi kung magkaroon ka ng agam-agam tungkol sa hinaharap kapag hindi nagbago ang ka-live in mo. Dahil ang isang relasyon ay hindi mapapatatag kung isa lang ang magmamalasakit at nag-aalaga. Isa pa, teacher ka at hindi tugma sa iyong marangal na estado ang pananatili sa pagkikipag-live in.

Kaya ang payo ko, kung hindi mo nakikita ang sarili sa situwasyon na kasama ang lalaking asa lang sa parents, huwag mo nang patagalin para kung may nasayang man na panahon ay hindi na madaragdagan pa. Pero kung angat ang pagmamahal mo at nasa puso mo na handa kang magtiis, ikaw lang ang makakapagpasiya tungkol dyan. Sana lang hindi mo pagsisihan sa huli.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with