^

Dr. Love

Isang gabi ng kataksilan

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Diday, 22 anyos at may asawa simula pa nung 19 years old ako. May anak na kami na two years old.

May second cousin ako. Tawagin mo na lang siyang Dado, kasing edad ko. 12 years old pa lang kami ay nagkarelasyon na kami pero kinalimutan namin dahil magkadugo kami.

Nung isang buwan ay birthday niya at nagkainuman kami kasama ang asawa ko sa bahay nila.

Nalasing at nakatulog ang asawa ko kaya nakalusot kami ni Dado.

Habang walang malay ang asawa ko, nagpunta kami ni Dado sa silid niya at alam mo na ang nangyari.

Nakokonsensya ako ngayon. Ano ang gagawin ko?

Diday

 

Dear Diday,

Pagsisihan mo ang kasalanan mo at huwag ka nang uulit.

Minsan, may mga kasalanan na sa Diyos mo na lang ihingi ng tawad dahil kapag nalaman pa ng mister mo, siguradong malaking gulo ang mangyayari. Ang higit na kawawa kapag nagkataon ay ang inyong walang muwang na anak.

Ngunit, tiyakin mo ng todo na hindi na mauulit ang kamaliang ginawa ninyo.

Kung nahihirapan ka tanggihan ang tukso, pinakamabuti na huwag na kayong magkita ni Dado, lalong mainam kung hindi mo na isasangkot ang iyong sarili sa mga ayaan na may alak. Para mailayo mo ang iyong sarili sa malaking tsansa na mawala uli sa katinuan, makalimot at makagawa ng kataksilan sa iyong asawa.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with