^

Dr. Love

Super ganda ng napangasawa

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mapalad ako dahil may misis akong napa-kaganda na, sobrang faithful at ideal wife pa. Isa pa lang ang anak namin at ayaw ko nang madagdagan para hindi masira ang pang-beauty queen niyang katawan.

Maasikaso siya, maalaga at hindi maluho. Isa akong businessman at kung physical looks ang pag-uusapan, lahat yata ng kapintasan ay nasa akin na. 

Nakakalbo, pandak at sarat ang ilong ko.

Nasasaktan ako kapag tinutudyo ako ng mismong mga kamag-anak ko, na baka yaman ko lang ang pinag-interesan ng asawa kong super ganda. 

Kapag magkasama kaming namamasyal, pinagtitinginan kami ng tao na parang sinasabi, ano ang nagustuhan ng misis ko sa akin.

Minsan parang nagsisisi ako na nakapangasawa ako ng sobrang ganda na katulad niya. Pero mahal na mahal ko siya.

Ramiro

Dear Ramiro,

Wala nang pakialam ang ibang tao sa inyo. Ang mahalaga, maligaya ang iyong pamilya. Isipin mo na lang na naiinggit lang sila. Mapalad kang tunay na magkaroon ng maganda at ulirang misis. Dahil bukod na hinahangaang pisikal na katangian niya ay tapat siya sa iyo. Suklian mo rin ito ng pagmamahal at katapatan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with