^

Dr. Love

Pekeng Ginto

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nakilala ko si Damian nang magkasabay kaming may binibili sa isang bookstore. May binili akong aklat at nang nagbabayad na ako ay nawawala ang wallet ko.

Nasa tabi ko si Damian at nagmagandang loob na bayaran ang binili ko. Napakamaginoo niya.  Nanligaw siya sa akin at naging kami.

Madalas kaming mag-date sa mamahaling restaurant at madalas akong regaluhan ng mga mamahaling bag at mga pabango kahit walang okasyon. Sabi ng mga magulang ko, boto sila kay Damian hindi dahil mayaman, kundi tunay na maginoo. At naitakda ang aming kasal.

Pero isang araw, nabalitaan namin na siya ay napatay sa engkuwentro sa mga pulis. Miyembro pala siya ng malaking sindikato ng droga. 

Umiyak ako kahit pa natuklasan kong siya ay sangkot sa krimen dahil mahal na mahal ko siya. 

Sabi ng tatay ko, huwag na raw akong magdalamhati, bagkus magpasalamat at napatunayan ko na siya ay isang pekeng ginto.

Kaso, talagang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa pangyayari. 

Ano ang gagawin ko?

Elma

Dear Elma,

Tama ang iyong ama. Umiyak ka man hanggang maubos ang iyong luha, hindi na magbabago ang pangyayari.

Pinaniwala ka ni Damian na mabuti siyang tao. Kung magkatuluyan kayo, malamang pati ikaw ay madamay sa kanyang ilegal na ginagawa.

Pasalamat ka sa Diyos dahil ipinag-adya ka niya sa kapahamakan.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with