^

Dr. Love

Buhok na tirintas

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Seven years ago, may naka-live-in akong dilag na minahal ko nang labis. Matinding dagok sa akin nang mamatay siya sa leukemia.

Ang nakatirintas niyang buhok ay labis kong hinangaan. Bago siya malagutan ng hininga, pinutol niya ang nakatirintas niyang buhok. Sinabi sa akin na ingatan ko ito bilang alaala.

Itinago ko ito at pinahalagahan nang higit pa sa mamahaling alahas.

Nakapag-asawa akong muli dahil ayaw kong tumanda na walang katuwang sa buhay. Kasal kami sa simbahan. Pero napakaselosa niya. Kahit patay na ang una kong partner ay gusto niyang ipatapon sa akin ang nakatirintas na buhok.

Nang tumanggi ako, sinabi niyang kung mas mahal ko ang buhok ng babaeng una kong minahal ay siya ang lalayas.

Binigyan niya ako ng dalawang linggo para gawin ito.

Ano ang gagawin ko?

Mateo

Dear Mateo,

Gaano mo man kamahal ang una mong babaeng inibig, wala na siya at may kabiyak ka nang iba. Sinabi ng Diyos na maging tapat tayo sa ating asawa.

Kung mananatili sa pedestal ng puso mo ang yumao mong da-ting partner, nagiging taksil ka sa iyong isipan at may katuwiran na magdamdam ang kasalukuyan mong asawa.

Sundin mo siya,  idispatsa mo na ang nakatirintas na buhok at mag-move on ka na sa bagong yugto ng iyong buhay.

Dr. Love

LABIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with