Hindi sumuko sa pagsubok

Dear Dr. Love,

Ako po si Nina. Nagpapasalamat ako dahil nagkahanapbuhay na uli ang mister ko. Akala ko wala nang pag-asa. Talagang hirap na hirap kami noon. Muntik na kami maghiwalay ng mister ko. Inaaway na siya ng mga kamag-anak ko.

Ilang taon din siya nawalan ng trabaho. Salamat sa Diyos sa kabila ng aming paghihikahos ay ibinalik ni Lord ang trabaho ng mister ko.

Hindi na ako mag-aalala kung paano kami kakain sa darating na araw. Pasalamat din ako sa aming chairman na naghanap ng mapapasukan para sa mister ko. Isa na siyang sikyu sa school na malapit sa amin.

Nina

Dear Nina,

Minsan hinahayaan ni Lord na maranasan natin ang pagsubok sa buhay. Ang mahalaga, hindi tayo sumusuko. Sabihan mo ang iyong mister na pagbutihin niya ang kanyang bagong trabaho.

Kaysa magmukmok, mainam ang humanap ng paraan at huwag mahiyang humingi ng tulong sa s tamang tao.

Kaya pasalamat din kayo kay chairman at sa mga taong naging paraan para makahanap ng trabaho ang iyong mister.

DR. LOVE

Show comments