Dear Dr. Love,
I’m presently struggling on my sexual identity. Physically at sa lahat ng sangkap ng aking katawan ay lalaki ako. Pero sa aking damdamin, babae ang pakiramdam ko sa sarili.
Pero nung pitong taon na ako ay nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki.
Until now ay ganyan ang feelings ko. Pini-pigilan ko lang ang aking sarili dahil ayaw kong magkasala.
Tawagin mo na lang akong Robby, 18 anyos and I was born and raised in a Christian family. Alam ko ang katuruan sa Bible that homosexuals will not inherit the Kingdom of Heaven so until now, hindi ko mailantad freely ang tunay kong pagkatao.
Kahit mga parents ko ay hindi alam ang struggle ko.
Nahihirapan ako sa pakikipaglaban kong ito. Kumikilos akong lalaki para pagtakpan ang tunay kong katauhan.
I hope you can give me the right advice.
Robby
Dear Robby,
Mabuti at ikaw ay lumaki sa pamilyang pinanghahawakan at ginagawang gabay ang Salita ng Diyos.
Alam mo, marami akong kilalang bakla na walang muwang sa Biblia ngunit nang marinig ang Aral ng Diyos ay nagbago.
Ikaw pa kaya na lumaki sa pamilyang Kristiyano?
Mabisa ang Salita ng Diyos lalo pa’t may gabay ng Espiritu Santo.
Keep on praying alongside with your reading and meditation of the Word.
Nakikita ko na tapat ang mithiin mong baguhin ng Diyos.
Palagi kang humawak sa kanyang Salita at babaguhin ka niya.
Dr. Love