Type pero ayaw pang manligaw
Dear Dr. Love
Ako po si Ralph. Naiinis ako kasi umiiwas na ako pero kami pa rin ang nagkikita. Sign po ba na dapat ligawan ko na siya? Nagsimula lang naman ito nang lagi akong nagre-remit ng pera sa bangko. Sila ang bangko ng aming company. Ako ang laging nauutusan ng boss kong mag-remit ng pera sa kanila.
Noong unang punta ko sa bangko, siya ang nag-assist sa akin sa machine para sa pagtawag ng counter. Syempre hindi ako sanay, kaya may nag-assist sa akin. Siya na nga si Joan. Nakita ko ‘yung name tag niya. Biglang nabighani ako sa kanya.
Nang mapadalas na ang punta ko sa bangko, may pagkakataon na hindi na niya ako pinapipila.
Nakakapagtanong tanong ako sa kanya ng personal at pinakikitunguhan naman niya ako ng maayos.
Hanggang nakasabay ko siyang kumain sa fastfood. Nilibre ko siya at nagpa-impress ako.
Simula nun parang nagiging attracted na talaga ako sa kanya. Kaya ayaw ko na magkwento o makipag-usap sa kanya ng matagal. Wala naman masama dahil binata ako at dalaga naman siya.
Maliit pala talaga ang mundo. Nang nagparehistro ako ng aking motor, nakasabay ko siya uli. Lalo kaming nagkausap ng matagal dahil sa rami ng nakapila. Hayun naging close kami pero ayaw ko pang manligaw.
Ralph
Dear Ralph,
Ano pa ba ang hinihintay mo? Simulan mo na! Huwag ka nang patumpiktumpik. Kung may nararamdaman ka sa kanya, push mo ‘yan! Tanungin mo siya kung pwede mo siyang ligawan. Magpa-cute ka at regaluhan mo. Ayain mo na siya na makipag-date sa iyo ng magkaalaman kayo ng mas malalim.
Mga professional naman kayo at mature enough sa mga ganyang bagay.
May trabaho at na-giging close na nga kayo. Sige ka baka maunahan ka pa ng ibang binata dyan.
DR. LOVE
- Latest