^

Dr. Love

Nagbuhay mayaman

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Aira.  Totoong nagkamali ako dahil naging maluho ako sa pera. Alam kong pinaghihirapan ng mister ko ang kinikita niya.  Pero na mihasa akong magbuhay mayaman.

Namihasa kasi ako na tuwing kinsenas at katapusan may matatanggap na naman akong pera galing sa mister ko.  Sobra-sobra ang natitira sa budget na ibinibigay niya. Kaya alam kong hindi kawalan kung isusugal ko at ipupusta ang pera.  Minsan nananalo, madalas talo.

Nagsimula akong awayin ng mister ko nang magsumbong  ang panganay kong anak. Nagalit ang mister ko at nakahanap siya ng dahilan para iwanan kami.  Babalik lamang daw siya kung magbabago na ako.

Aira

Dear Aira,

Hindi sa lahat ng oras ay hayahay ang buhay. Kaya itigil mo na ang bisyo ng pagsusugal. Kausapin mo ang mister mo para magawan ninyo  ng paraan para matigil mo na ang bisyo mo.

Habang may biyaya, alalahanin mo ang responsibilidad mo bilang nanay at matututo kang mag-ipon. Mahirap kapag emergency tapos wala ka na palang pera sa bulsa.

Bilang magulang dapat may kakayahan kang tugunin ang pangangailangan ng iyong pamilya.

DR. LOVE

vuukle comment

AIRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with