^

Dr. Love

Dahil namatay ang kandila sa kasal

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May bumabagabag po sa akin mula nang ikasal kami ng aking mister. Habang isinasagawa ang seremonya ng aming kasal, biglang namatay ang kandila sa bahagi niya. Napansin kong nagbulu-ngan ang ilang matatanda dahil may pamahiin daw na kapag namatay ang kandila habang ikinakasal, maaaring may masamang mangyari sa taong katabi nito.

Lalo po akong natakot dahil OFW ang aking mister at malayo siya sa akin kapag nagtatrabaho. Hindi ko maiwasang isipin na baka may katotohanan ang kanilang sinabi at may panganib na naghihintay sa kanya. Mahal na mahal ko po ang aking asawa kaya tuwing aalis siya para magtrabaho, lagi akong kinakabahan. Gusto kong maging positibo, pero hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noong kasal namin.

Dr. Love, dapat ko po bang paniwalaan ang pamahiing ito? Paano ko maaalis ang takot na baka may masamang mangyari sa aking mister?

Gwy

Dear Gwy,

Huwag mong hayaang ang isang pamahiin ay maging dahilan ng patuloy mong pag-aalala. Ang pagkamatay ng kandila sa araw ng inyong kasal ay hindi nangangahulugang may masamang mangyayari sa iyong mister. Maaaring may simpleng dahilan lamang ito, gaya ng ihip ng hangin.

Nauunawaan ko ang iyong takot, lalo na’t OFW ang iyong asawa. Pero sa halip na magpakulong sa pangamba, ituon mo ang iyong pansin sa mga bagay na makatutulong sa kanyang kaligtasan—pag-iingat, maayos na komunikasyon, at panalangin.

Tandaan mo, huwag mong hayaang ang bulong ng mga tao ay maging sigaw ng takot sa iyong puso. Hindi ang mga pamahiin ang magtatakda ng kinabukasan ng inyong pagsasama.

Sa tuwing aalis ang iyong mister, ipadama mong naghihintay ka sa kanyang pagbabalik.

Ang tunay na liwanag ng inyong pagsasama ay hindi nakasalalay sa kandilang namatay noong araw ng inyong kasal, kundi sa pana-nalig ninyo sa Diyos na siyang tunay na liwanag ng inyong buhay.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with