Tula para sa ka-LDR

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Golem. Sumulat po ako para maiparating ko sa gf ko sa pamamagitan ng inyong malaganap na column ang pagka-miss at  tumitinding pagmamahal ko sa kanya.  Long distance relationship po kami.

Nagkakilala kami sa isang coffe shop dito sa Qatar. Pero dalawang buwan lang ay umuwi na siya sa Pilipinas dahil malupit ang naging amo niya rito, minamaltrato siya.

Narito po ang maiksing tula na nais kong ibahagi.

O aking giliw huwag mong masyadong damdamin ang dulot nitong tadhana. Ikaw man ay malayo sa akin, sa puso ko ay ikaw at ikaw pa rin. Dala-ngin ko ay bumilis ang paglipas ng araw para tayo’y muling magkita at mayakap ka ng mahigpit o aking sinta.

Maraming salamat po, number one fan po ninyo ang gf ko. Lagi siyang nagbabasa ng Pilipno Star Ngayon.

Golem

Dear Golem.

Maraming salamat sa napakagandang ibinahagi mo. Mahirap talaga ang LDR. Isa ka palang makata.

Mag- ingat ka rin d’yan sa Qatar. Hangad ko ang lalo pang pag-igi ng relasyon ninyo ng gf mo.

DR. LOVE

Show comments