Artist’s Model
Dear Dr. Love,
Ako po si Lady M, trabaho ko po ang magmodel sa mga nagpe-painting. Wala naman kaming pirmahan na ginagawa, basta tiwala ako sa mga clients ko.
May mga professional at may mga tamang maginoo pero bastos. Kasama naman sa trabaho ko ‘yun.
Sayang kasi, maghuhubad lang may 10k na ako agad. Mas ok lalo na kung grupo sila.
Hindi ko maiwasan na ligawan ako ng mga nagiging client ko. Hindi ko naman napansin na matindi pala ang tama sa akin ng isang matandang painter. Dati siyang nagtuturo pero nang namatay ang asawa niya, tumigil siya sa kanyang career. Pero tuloy pa rin ang pag-paint niya kasama ng grupo ng kanyang mga naging estudyante.
Inaya niya akong mag-date. Noong una, kasama ang grupo niya.
Hanggang kami na lang ang nagde-date.
Ok lang naman sa akin, kahit matanda na siya dahil masaya rin naman ako kapag kakwentuhan ko siya, lalo na tungkol sa kanyang asawa.
Pero sinasabihan ako ng anak niya na tigilan ko raw ang papa nila. Pineperahan ko lang daw ang matanda.
Ewan ko, basta matagal na hindi ako nagmahal, sa ganitong situwasyon pa ako napadpad.
Hindi naman ako pokpok, gaya ng inaakala ng kanyang anak.
Hindi ibig sabihin na naghuhubad ako sa harapan ng mga lalaki ay mababang uri na ako ng babae.
Lady M.
Dear Lady M.,
Ipaglaban mo ang pag-ibig mo sa matanda kung talagang mahal mo siya. Hindi naman ang anak niya ang magiging kasama mo sa buhay. Pero nasa kanya pa rin ang desisyon kung ipag-lalaban ka rin niya sa anak niya.
Wala kang dapat patunayan kung anong uri ng trabaho ang mayroon ka, kung wala ka namang ginagawang masama sa ibang tao.
Hayaan mo lang silang mag-isip ng masama sa iyo basta’t huwag ka lang nila sasaktan.
Sa isang banda, hindi mo masisisi ang kanyang anak na sabihan ka ng ganoon. Hayaan mo na ang papa nila ang magdesisyon para sa inyo.
DR. LOVE
- Latest