Dear Dr. Love,
Ako po si Charlieto, napapagod na akong magmahal. Ilang beses na akong galing sa broken relationship. Ang alam ng iba ako ang laging may kasalanan. Pero ang totoo ako ang umaalis dahil ako ang nasasaktan.
Madalas akong naipagpapalit sa mga bagay na hindi ko matanggap.
Oo, aaminin ko na lagi akong magagalitin at seloso. Pero sino nga ang inaasahan kong makakaintindi sa akin, ‘di ba ‘yung taong nagmamahal sa akin.
Kaya pinipili ko na lang mag-isa at iniisip ko na lang na hindi nila ako talaga mahal. Napaka-immature ko raw. Kaya pinapatunayan ko sa kanila na kaya kong mag-isa. Masakit pero tintiis ko kaysa umasa ako sa isang taong hindi naman talaga nakakaunawa.
Parang paulit- ulit lang kasi. Mahal ka sa una tapos kapag nakakita sila ng mas higit, madali nila akong makalimutan. Madali silang nagkaka-amnesia.
Pang-apat ko na kaya itong ganitong relasyon. Ako nang ako ang kanilang sinisi. Ipinapakita ko naman ang tunay na ugali ko. Pero hindi nila ako maunawaan.
Kailan kaya ako makakatagpo ng tunay na magmamahal sa akin? Parang mali at hindi tama at hindi na ako masaya. ‘Yung lang po. Ayaw ko munang manliligaw muli.
Charlieto
Dear Charlieto,
Wala namang makapipigil sa iyo dahil desisyon mo ‘yan. Try mong mag-search o kaya maghanap ng isang taong magiging mentor mo tungkol sa pag-ibig.
Kailangan nating maging mature enough na harapin ang mga challenge sa isang relationship lalo’t ikaw ang lalaki. Kung may napapansin man silang ugali mo na dapat mo ng baguhin, ito na ang tamang panahon upang maging aware ka tungkol dun.
At subukan mong i-develop ang mga pwede mong ipalit sa mga weaknesses mo. Lahat naman ng tao ay may kahinaan at may kalakasan. Pagtuunan mo ng pansin ang pagiging mahinahon at mapagparaya. Mas naa-appreciate ng mga babae ang pagiging maginoo at marunong makinig sa kanilang nararamdaman.
Ikaw ang mas umunawa at makikita mo ang magiging resulta nito sa iyong pagkatao.
DR. LOVE