^

Dr. Love

Face the reality or challenge

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Franz Tabie, isang challenge sa akin ng nililigawan ko na kung papayat ako at magiging matipuno uli ang katawan ay sasagutin niya ako.

Nagsinungaling kasi ako sa kanya, hindi ko pinopost ang itsura ko ngayon sa mga account ko online. Ang ipinapakita ko ay ‘yung katawan kong macho at mala-Enchong Dee ang dating nung wala pang pandemic.

Kaso may nag-post sa mga pinsan ko ng picture namin noong birthday niya, kaibigan pala sila ng nililigawan ko, kaya yari ako!

Nabisto ang lihim ko. Agad niya akong tsinat at ang challenge niya sa’kin ay sasagutin lang niya ako kapag naibalik ko ang dati kong itsura.

Kaya eto, taking the challenge. Kaso ang hirap kasi ngayong pandemic, mas marami ang kain, tulog at ang paglalaro ko ng online games, kaya hindi na ko naging conscious sa katawan ko.

Lagot ako nito kapag hindi ko naibalik ang dati kong katawan. Dami ko ng taba sa bilbil at wala na akong abs. Meron, tabs. Pero trying hard ako, kaso nakukulangan ako kasi push up lang at jumping rope ang nagagawa ko.

Hindi ako makapaglakad sa labas at makapag-gym. Kahit ang ibang gym ay bukas, takot naman akong magka-virus.

I need to face the reality or to face the challenge. Parang ayaw ko na tuloy siyang ligawan. Mas gusto ko na ang mag-enjoy sa kain- tulog.

Franz Tabie

Dear Franz Tabie,

Nasa sa’yo naman kung ano ang gusto mo. Kung mas gusto mo ang kumain nang kumain, ikaw pa rin ang masusunod. Pero sa palagay ko bukod sa type niya ang macho mong itsura ay gusto ka rin niyang tulu-ngan na ma-motivate na maging fit uli.

Pwede rin naman na gusto niyang pagtrabahuhan mo ang muli niyang pagtitiwala sa’yo dahil  nagsinungaling ka sa kanya.

Pero kung gusto niya lang na magkaroon ng machong bf, medyo may pro-blema.

Kasi kung mahal ka niya talaga, kahit ano ang itsura mo, mahal ka  pa rin niya. Iyon ang tumpak na dahilan para ituloy mo ang iyong panliligaw.

DR. LOVE

FRANZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with