^

Dr. Love

Nasaktan sa biro

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko maintindihan kung bakit lagi kaming nag-aaway ng girlfriend ko. Puro ang pagkakamali ko ang napapansin niya. Malingon lang ako sa babae, ang dami na niyang sinasabi. Parang naiisip ko na wala na siyang tiwala sa akin.

Kahit nagso-sorry ako sa kanya, marami siyang mga pagbabanta. Kahit pa tungkol lang sa maliliit na bagay, napapansin niya. Gaya ng kapag na-late ako sa date namin. Naiinis na rin ako sa kanya. Parang hindi na healthy ang relationship namin. Pero kapag tinatanong ko siya kung mahal niya ako, mahal naman daw niya ako. ‘Yun nga lang mas madalas ang bangayan namin.

Tinatanong ko na rin ang aking sarili kung dapat pa bang magtagal ang aming relationship. Hangga’t sa makakaya ko, Dr. Love pinipilit kong huwag siyang patulan.

Kaso nitong huling araw napahiya na ako sa harap ng kanyang mga kaibigan. Pinakilala ba naman akong best friend niya. Sobrang sakit sa akin nun. Gusto ko na siyang iwanan ng oras na iyon, pero hindi ko ginawa. Alam kong napansin niya ang kanyang pagkakamali kaya nag-sorry naman siya agad sa akin. Biro lang daw dahil sinubukan lang daw niya kung gaano ko siya kamahal.  Hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa kanya. Parang gusto ko munang makipag-cool off sa kanya.

Parker

Dear Parker,

Learn how to be matured in handling relationship. Mag-usap kayo ng maayos. Kung hindi kayo talaga magkasundo, mainam nga na mag-cool off muna kayo.

Para naman makag-isip isip kayong dalawa. Imposible sa isang relasyon ang hindi nag-aaway. Pero hindi rin naman tama ang mag-away na lang kayo nang mag-away, lalo na kung sa maliliit na bagay lang. Regarding sa biro niya kung maaari sabihin mong ayaw mo ng ganung biro. Ito ang lagi mong pakatatandaan. “Wala namang perpektong relationship. Pero may perpektong pagmamahal kahit na nasasaktan.”

DR. LOVE

 

 

BIRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with